Life! Showbitz

Arjo hindi ma-explain ang feeling ngayong araw-araw nang kasama si Maine: ‘It’s very fun and very happy…few adjustments here and there’

Arjo hindi ma-explain ang feeling ngayong araw-araw na niyang kasama si Maine: 'It's very fun and very happy...few adjustments here and there'

Arjo Atayde at Maine Mendoza

HINDI maipaliwanag ng actor-public servant na si Congressman Arjo Atayde ang nararamdamang kaligayahan ngayong asawa na niya si Maine Mendoza.

Makalipas ang isang buwan matapos ang wedding nila ni Maine sa Baguio City, nag-share ang award-winning actor sa publiko tungkol sa ilang kaganapan sa kanyang married life.

“It’s very fun and very happy. I don’t know how to explain it. But few adjustments here and there. I don’t know how to explain it. I am just happy. I am just really happy,” ang chika ni Arjo sa episode kahapon ng “Magandang Buhay.”

Kitang-kita naman sa mukha ng anak nina Sylvia Sanchez at Art Atayde ang sobrang kaligayahan dahil bukod sa kanyang kaguwapuhan ay fresh na fresh din ngayon ang kanyang awra.

Natanong din ang Kapamilya star kung anong feeling na gumigising at natutulog siya araw-araw na katabi ang babaeng pinakamamahal niya.

“I am very happy. I am very, very happy to see her to actually wake up every morning to the person you love the most.

“It’s very much surreal at some point, of course we are new. Sabi nga nila, mag-iiba ‘yan. I mean that’s the comment of older people.

“They will always say ‘it would be different’ but to me it doesn’t like it could. I don’t know, I’m just happy. I really can’t explain, I am trying to find the right words to say but I’m very happy,” lahad ng aktor at film producer.

Samantala, hindi naman itinago ng kanyang inang si Ibyang ang tunay na nararamdaman ngayong kasal na sina Arjo at Maine at nakatira na sa sarili nilang bahay.

“Para sa isang nanay na katulad ko, hinahanap ko sila. Ngayon parang wala na ‘yung si Arjo, si Ria wala rin, so nagsesentimyento ako.

“Actually, nagsesentimyento ako until now pero pinipilit kong labanan kasi alam ko na nasa magandang kalagayan ang anak ko. Married siya at saka nadagdagan ako ng isang anak. Pero hindi pa rin maiiwasan ‘yung ‘wala na ‘yung anak ko.’

“Tapos nakatulong sa akin ‘yung sinabi sa akin ng asawa ko na kailangan mong mag-let go kasi ang mga bata, darating ‘yung time na mawawala sila sa atin but it doesn’t mean na mawawala sila talaga, iiwanan tayo.

“Nandiyan, every Sunday magkikita tayo. Pero at the end of the day tayong mag-asawa ang magkasama, hanggang pagtanda. Ang mga anak natin ay gagawa na ‘yan ng sari-sariling buhay,” ang paalala pa raw sa kanya ni Papa Art.

Matatandaang ikinasal sina Maine at Arjo sa Baguio City last July 28 na dinaluhan ng kanilang respective families at malalapit na kaibigan sa loob at labas ng showbiz.

RELATED STORIES

House clarifies Arjo Atayde’s trip to Europe

A complete timeline of Arjo Atayde and Maine Mendoza’s relationship

Arjo Atayde namanhikan na sa pamilya ni Maine Mendoza, detalye ng kasal ‘secret’ pa rin

TAGS: Arjo Atayde, Maine Mendoza, married life, Showbiz news
Latest Stories
Most Read