Celebrities Showbitz

Cristy Fermin sa pagiging ina ni Sharon : ‘Hindi na po siya nagiging tulay sa 2 anak, kundi pader na humaharang’

Cristy Fermin

Kiko Pangilinan, Sharon Cuneta, KC Concepcion, Miel, Miguel at Frankie Pangilinan

MATAGAL nang may hindi pagkakaunawaan ang magkapatid na KC Concepcion at Frankie Pangilinan at mas tumindi pa nga ito nang dahil sa isyu ng pag-unfollow nila sa Instagram.

Balitang hindi na raw talaga nagkakasundo ang dalawang panganay ni Megastar Sharon Cuneta (anak kay Gabby Concepcion si KC habang unang anak naman si Frankie kay Kiko Pangilinan).

Mismong ang veteran showbiz columnist at TV-radio host na si Nanay Cristy Fermin ang nagkumpirma sa kanyang “Showbiz Now Na” YouTube channel ng tungkol sa hindi pagkakaunawaan ng magsisteraka.

Napag-usapan kasi nila nina Romel Chika at Wendell Alvarez sa latest episode ng “SNN” ang tungkol sa pagpuri ni Sharon sa kanyang mga anak na sina Kakie at Miel habang dedma lang siya ngayon kay KC.

“Kasalanan ng dalawa, kasalanan ng lahat. Hindi natin dapat ipinagkukumpara ang dalawang anak.”

“Hindi po pwede, kahit po sino sa anumang aspeto ito ng buhay, kasi nga po ang araw at buwan, sabi nga natin ay hindi dapat ikino-compare kasi nagniningning po sila sa magkaibang panahon,” ang reaksyon ni Nanay Cristy.

Hidwaan

Aniya pa, “Isang pong source na reliable po talaga ang nagbalita sa akin na matagal na talaga na nagkakaroon ng hidwaan ang magkapatid.

“Talagang meron po, talagang mayroon. Kaya lamang, ngayon lang talaga ito tumindi at lumalim dahil po sa pag-unfollow issue,” pahayag pa ni Nanay Cristy.

Dugtong pa ng premyadong manunulat at host, “Pero noon pa man po ay hindi na talaga sila nagkakasundo, parang nasaktan yata ang kalooban ni Kakie nu’ng sabihin ni KC na kinikilig siya sa concert ng kanyang mama at papa.”

May chika kasi na hindi nagustuhan ni Kakie ang mga naging pahayag ng kanyang ate patungkol kina Mega at Gabby na naging sanhi nga raw ng matinding away sa pagitan ng magkapatid.

Kaya ang kasunod nito ay ang pag-unfollow nila sa IG account ng isa’t isa.

Samantala, nabanggit din ni Nanay Cristy ang posisyon ngayon ni Sharon sa issue ng dalawa niyang anak, “Hindi na po siya nagiging tulay sa kanyang mga anak, kundi pader na humaharang.”

RELATED CHIKA

Sharon inakusahang mas paborito si Frankie kesa kay KC; may pamatay na resbak sa bashers

Hugot ni KC sa pagiging anak ni Sharon: ‘Ako ang panganay niya, malalaman din ni Mama kung gaano ko siya kamahal pagdating ng panahon’

Gabby Concepcion alam ang dahilan kung bakit inunfollow ni KC sina Frankie at Kiko Pangilinan

 

TAGS: Cristy Fermin, KC Concepcion, Sharon Cuneta, showbiz, Showbiz news
Latest Stories
Most Read