KC nangungulila sa pagmamahal ng ina, gusto maging close ulit si Mega

By: Ervin Santiago - Bandera | September 12,2023 - 01:55 PM

KC Concepcion at Sharon Cuneta

KC Concepcion at Sharon Cuneta

KUNG may isang wish ngayon ang actress-entrepreneur na si KC Concepcion para sa kanyang personal life, yan ay walang iba kundi ang maging super close sila uli ng inang si Sharon Cuneta.

Sa mga naging panayam ni KC sa ilang vlogs at online show, ramdam na ramdam ng kanyang fans and supporters ang matinding pangungulila niya sa pagmamahal at kalinga ng isang nanay.

Dahil dito, halos lahat ng social media followers ni KC ay nagsabing sana raw ay matuldukan na ang kontrobersya sa pagitan ng mag-ina at maayos na ang gusot sa kanilang pamilya.

Na-touch naman ang TV host at veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin sa mga naging pahayag ni KC about her mom na kontrobersyal din ngayon dahil sa isyu sa pagitan ng anak nila ni Gabby Concepcion at ng anak niya kay Kiko Pangilinan na si Frankie.

Sa kanyang online show kasama si Romel Chika, naibahagi ni Nanay Cristy ang kanyang saloobin tungkol sa pinagdaraaanan ni KC bilang isang anak

“Ang wish niya talaga, sana bumalik na yung pagiging mag-best friend nila ni Sharon Cuneta, ang kanyang dakilang ina, di ba?

“Ako, Romel, ang pakiramdam ko rito mga kapatid, pag-ibig po ito ng isang anak na nami-miss po, talagang sabik na sabik na ulit yung dati nilang samahan ng kanyang inang si Sharon,” ang pagbabahagi ng award-winning TV host at manunulat.

“Matagal-tagal na rin pong panahon kasi na hindi na sila ganun ka-close, natural, nararamdaman po ng anak ang ganitong emosyon,” dugtong pa ni Nanay Cristy.

Baka Bet Mo: Basher na nambasag kay Derek sunog kay Ellen: You know him personally? Close ba kayo???

Pinuri rin ng TV and radio host ang pagiging totoo ni KC sa kanyang nararamdaman at sa mga nangyayari sa kanyang pamilya pati na ang panawagan niya sa kanyang nanay na sana’y manumbalik na ang dati nilang relasyon.

“Ang gusto lamang po niya muli sila maging close na close ng kanyang mama. Kaya napakaganda ng kanyang wish,” sabi pa ni Nanay Cristy.

Sa isang panayam, sinabi ni KC na nais nga niyang maging close uli sila ni Mega, “You know, I really would like for my mom and I to be best friends again. There’s a lot of years that have gone by. You know, siyempre, may mga distractions kami.

“Hindi mawawala ‘yung pagmamahal namin sa isa’t isa. Siguro, one day, kapag ikinasal na ako and kapag nagka-anak na ako, I think that would bring my mom and I closer than ever.

“I want her to know na mahal na mahal ko siya and loyal ako sa kanya. ‘Yung talaga. Nanay ko siya. Dugo niya, dugo ko.

“Kung ang lola ko nga, inalagaan naming magnanay, what more siya? Yun lang yung sa akin,” sabi ni KC.

RELATED STORIES:

KC Concepcion no longer follows stepdad Kiko Pangilinan, sister Frankie on Instagram

Vice Ganda basag na basag kay Juan Ponce Enrile: ‘Akala mo maganda ang ginagawa mo…bastos ka, bastos kang tao!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Read Next

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TAGS: KC Concepcion, Sharon Cuneta

We use cookies to ensure you get the best experience on our website. By continuing, you are agreeing to our use of cookies. To find out more, please click this link.