Life! Showbitz

Bb. Pilipinas Eva Patalinjug paano nga ba pinagsasabay ang pagiging ina, abogada at national director ng national pageant?

Larawan ng former Bb. Pilipinas Grand International and current Hiyas ng Pilipinas National Director Eva Patalinjug.

Former Bb. Pilipinas Grand International and current Hiyas ng Pilipinas National Director Eva Patalinjug. / ARMIN P. ADINA

PUNUMPUNO ng iba’t ibang kaganapan ang buhay ni Eva Patalinjug mula nang isalin ang titulo bilang Binibining Pilipinas Grand International noong 2019.

Nagtapos siya ng abogasya, hinawakan ang sariling national pageant, at naging isang ina. At kamakailan, naipasa niya ang Bar examinations.

Ngunit paano ba pinagsasabay-sabay ng Cebuana ang lahat ng ito? “I compartmentalize what I do time management lang talaga. Even if I don’t have time, gumagawa ako,” sinabi niya sa Inquirer sa isang paanyam sa press conference para sa 2023 Hiyas ng Pilipinas pageant na ginawa kamakailan sa Luxent Hotel sa Quezon City. Siya ang national director ng naturang pageant.

“I see to it that I have time for my baby after work. I take care of him, I do chores in the house still. And as a lawyer, sinisingit ko lahat ng mga gagawin ko. Now, I just came from the airport straight to [have my] make up [done],” aniya.

Nasasandalan din ni Patalinjug ang pananampalataya niya tuwing may kakaharaping mga hamon. Nasa simbahan nga siya nang lumabas ang resulta ng huling Bar examinations.

“So timing, when the results came out nandoon ako sa church, St. Rita pa talaga iyong church, the saint of the impossible, and nandoon ako. So I celebrated by praying there,” ibinahagi ng beauty queen.

Dalawa pang reyna ang nakapasa sa huling Bar, sina reigning Reina Internacional del Chocolate Jerelleen Rodriguez at 2020 Miss Philippines Air Patrixia Santos. Ilan pang mga tanyag na beauty queen ang naging abogada bago sila, sina 2001 Bb. Pilipinas Universe Zorayda Ruth Andam at 2019 Bb. Pilipinas International Bea Patricia Magtanong.

“We are capable of being more than a beauty queen as well. We are also smart. We are also capable of empowering girls as well. By looking at us becoming lawyers, they want to be beauty queens and lawyers as well,” ani Patalinjug.

At ngayon nga ipinagpapatuloy niya ang pagtulong sa kababaihan sa pamamagitan ng plataporma ng Hiyas ng Pilipinas pageant.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Eva Psychee Patalinjug (@evapatalinjug)

 

At para sa ikalawang taon, nakahanap si Patalinjug ng isang bagong katuwang na tumulong sa kanya sa pagbuo sa isang maaasahang pangkat, ang bagong may-ari at CEO ng organisasyon na si Mike Sordilla na taga-Cebu rin.

Bilang unang hakbang ng pangkat, binago ang pangalan ng pangasiwaan nito sa “Hiyas ng Pilipinas Foundation Inc.” mula sa “Hiyas ng Turismo Pilipinas Foundation Inc.” Sinabi rin ni Sordilla na magkakaroon ng “Hiyas ng Pilipinas scholars” mula sa isang “bigger and bolder Hiyas ng Pilipinas.”

Mag-iikot sa buong bansa ang organisasyon upang makahanap ng mga dilag na magtatagisan para sa tatlong titulo—Hiyas ng Pilipinas-Tourism World, Hiyas ng Pilipinas Omninational, at Hiyas ng Pilipinas-Summit International—sa Nob. 11 sa Waterfront Cebu City Hotel and Casino.

Gagawin ang screening para sa Luzon sa Metro Manila sa Hulyo 16, habang sa Cebu naman gagawin ang screening para sa Visayas sa Hulyo 23. Para sa Mindanao, gagawin ang screening sa General Santos City sa Hulyo 30.

Ibinahagi rin ng Hiyas ng Pilipinas organization kamakailan lang na isa sa mga reyna nito ng 2022, ang GMA Sparkle artist na si AZ Martinez, ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa 2023 Miss Summit International pageant sa Estados Unidos sa Setyembre.

RELATED STORIES

Eva Patalinjug vows to prove she’s worthy of the crown

University of Baguio graduate is first blind Bar exam passer

Bar-passing beauty queens bare plans as lawyers

2022 Bar Top 2 fulfills high school dream of becoming lawyer

 

TAGS: bar examinations, beauty pageant, Binibining Pilipinas, Eva Patalinjug, lawyer
Latest Stories
Most Read
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.