Celebrities Entertainment

Neri tinupad na ang pangakong wedding reception sa na-scam na bagong kasal; may pa-pocket money pa

TULOY na tuloy na ang wedding reception na regalo ng aktres na si Neri Naig-Miranda sa bagong kasal na nabiktima umano ng scammer sa Cebu.

Ibinalita ng misis ni Chito Miranda sa pamamagitan ng kanyang Instagram account na nagkausap na ang mag-asawang Cherry Pie Purisima at Arniel Satingasin at ang business partner niya sa Cebu.

Tinupad ni Neri ang promise niya sa na-scam ng mag-asawa na siya na ang sasagot sa kanilang reception at ito’y magaganap nga sa pag-aari nilang Korean barbeque restaurant.

Ani Neri sa kanyang IG post, “Yehaaaay! Nakausap na ng business partner ko sila Cherry Pie at nakapag meeting na sila sa @jejusamgyupsal kanina para ayusin ang naudlot nilang reception.

“Super excited na ako para sa mag-asawa esp kay Cherry Pie. Deserve ng lahat ng kababaihan na maging mala prinsesa sa kanyang kasal. Minsan lang ‘to!

“Syempre ang pinakamahalaga yung nagmamahalan sila ng kanyang kabiyak. Simple man ang reception o magarbo, ang importante ay kung ano ang laman ng kanilang mga puso,” mensahe ng asawa ni Chito.

Aniya pa, “Thank you, partner @jonahcbautistasa pag asikaso lahat dyan sa Cebu. Happy na lahat dahil happy na si Cherry Pie! Excited na ako for them!”

Nag-viral ang kasalan nina Cherry Pie at Arniel nang mabalitang tinakbuhan sila ng kanilang wedding coordinator. Pagdating nga sa venue ng reception ay walang nakahandang kahit ano para sa mga bisita.

Napaupo at napaiyak na lang ang bride dahil sa sobrang kahihiyan base sa kumalat na litrato sa social media. Ngunit ayon sa balita, pinatawad na rin daw ng mag-asawa ang wedding coordinator.

At nang malaman nga ni Neri ang tungkol dito agad siyang nag-post sa Instagram ng, “Kung sino po ang nakakakilala sa bride, pakisabi po, message po ako or my partner @jonahcbautista. Kami na bahala sa reception niya.

“Malapit lang naman ang @jejusamgyupsal sa lugar nila. Dun na natin ganapin ang reception nyo. Since mahigpit po ang dine in pa rin, mga 20 pax po ang kakasya sa Jeju Samgyupsal Resto po namin sa Cebu,” aniya pa.

“Wala kayong gagastusin mag-asawa. Kami na bahala. May pa-pocket money kami sa inyo kahit papaano. Wag ka nang umiyak. Kami na bahala sa inyo,” dagdag pang mensahe ng aktres.

RELATED STORIES

Viral scammed couple gets surprise reception party

Neri Miranda to scammed couple: ‘Kami na bahala sa inyo’

Bride in a viral video ‘speechless’ on free wedding services offered, but settlement with coordinator comes first

Irate netizens lash out at “scammer” wedding coordinator

Wedding coordinator apologizes, promises to refund newlywed couple he scammed

Newlywed couple willing to settle things amicably with wedding coordinator, who allegedly scammed them

WATCH: Interview with controversial wedding coordinator Naser Fuentes

Woman on wedding coordinator accused of ‘scamming’ Minglanilla couple: He aIso duped me

TAGS:
Latest Stories
Most Read

Subscribe to our regional newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.