Showbitz

Angel nagpaka-Darna uli, bumisita sa Leyte para tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Agaton

Photo of Angel Locsin during the distribution of relief goods to Agaton victims in Leyte.

Angel Locsin namigay ng ayuda sa mga nasalanta ng bagyong Agaton sa Leyte

TUWANG-TUWA at lubos ang pasasalamat ng ilang mga residente sa Baybay City, Leyte nang personal na bumisita sa kanila ang TV host-actress na si Angel Locsin.

Nagtungo roon ang Kapamilya star ngayong araw para maghatid ng tulong at magbigay-inspirasyon sa mga nasalanta ng bagyong Agaton kamakailan.

Base sa mga nakita naming litrato sa social media, kasama rin ni Angel na bumisita sa ilang lugar sa Baybay City ang kanyang asawang film producer na si Neil Arce.

Sa Facebook post ni Joy Cain Gumapac, makikita ang pagdating ni Angel sa Baybay City Senior High School kung saan pansamantalang nananatili ang mga evacuees na nawalan ng tirahan dulot ng bagyong Agaton.

Ilang opisyal ng Baybay City ang sumalubong kina Angel at Neil kabilang na ang dating alkaldeng si Carmen Cari.

Sa mga litratong naka-post sa FB na kuha naman ni Rona May Ompoy, makikita ang pamimigay ng team ni Angel ng mga relief packs sa mga residente ng Baybay City.

In fairness, talagang pinaninindigan ni Angel ang pagiging real life Darna ng Pilipinas dahil hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pagtulong niya sa mga nangangailangan nating kababayan sa oras ng trahedya at sakuna.

Ayon nga sa post ni Gilbert Javier sa FB, “Darna is in Brgy. Bunga Baybay City Leyte. Maraming Salamat po Maam Angel Locsin sa Tulong. Salamat sa message na ‘Bumangon muli.’”

Bukod nga kasi sa paghahatid ng ayuda, nagbigay din ng inspiring message ang aktres para sa lahat ng nasalanta ng mapaminsalang bagyo. Hinikayat niya ang mga tagaroon na huwag susuko at laban lang nang laban.

Kung hindi kami nagkakamali, si Angel na naman ang unang celebrity (na hindi tumatakbo ngayong eleksyon) na personal na nagtungo sa Leyte para maghatid ng tulong sa mga evacuees doon.

Hindi na bago ang pagtulong sa mga nasalanta ng mga kalamidad para kay Angel. Sa katunayan, isa siya sa mga kilalang artista na laging nauunang maghatid ng tulong sa mga biktima ng iba’t-ibang sakuna.

Base sa ulat, umabot na sa 170 katao ang nasawi sa Leyte matapos manalasa ang bagyong Agaton na naging sanhi ng mga landslide sa bayan ng Abuyog, Baybay at iba pang kalapit-probinsya.

Mahigit 100 katao pa umano ang nawawala at kasalukuyang pinaghahanap ng mga rescuers.

RELATED STORIES

Angel Locsin on her health and fitness journey: ‘Love every inch of you’

Angel Locsin and Neil Arce: ‘We got married!’

Angel Locsin gives funny review of her cooking

TAGS: Angel Locsin, Baybay City, Cebu Daily News, Leyte, relief goods, Showbiz news
Latest Stories
Most Read
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.