Celebrities

Promise ni Kiray sa dyowa, hashtag #HindiLahatHiwalaySa2022: Walang lokohan hanggang sa dulo

Photo of Kiray Celis at Stephan Estopia

Kiray Celis and Stephan Estopia

MALAMAN at malalim ang bagong hugot ni Kiray Celis tungkol sa pagmamahal at pakikipagrelasyon.

Muling ibinandera ng Kapuso comedienne ang abot-langit na pagmamahal niya para sa non-showbiz boyfriend na si Stephan Estopia.

Mahigit dalawang taon na ngayong magkarelasyon ang dalawa at mukhang mas naging matatag at solid pa ang kanilang pagmamahalan.

Sa gitna ng sunod-sunod na breakups ng ilang celebrity couples kabilang na nga ang pinag-uusapan pa ring hiwalayan nina Moira dela Torre at Jason Hernandez, feel na feel naman ni Kiray na hindi ito mangyayari sa relasyon nila ni Stephan Estopia.

Sa kanyang latest Instagram post,  ibinahagi ng komedyana ang ilang sweet photos nila ng boyfriend na kuha sa isang resort kung saan kitang-kita ang kaligayahan sa kanilang mga itsura.

Photo form Kiray’s IG post

Ani Kiray sa caption, “Parehas kaming naloko. Kaya ayaw namin gawin sa ibang tao. Walang lokohan. Hanggang sa dulo.” Gumamit pa siya ng hashtag na “#HindiLahatHiwalaySa2022.”

Sa isang IG post noon ni Stephan, nangako siya kay Kiray na hinding-hindi niya iiwan sa anumang laban ng buhay ang komedyana. Tinawag pa nga niya itong “asawa” sa inilagay niyang caption.

“Palagi kitang susuportahan sa mga nais at gusto mo. Asawa ko, dito lang ako sa likod mo, palagi humahanga sa kakayahan mo.

“At kahit maubusan ka man ng mga naniniwala sa’yo nandito ako, nandito ako patuloy na pumapalakpak sa bawat tagumpay na naaabot mo. Mahal na mahal kita @kiraycelis,” mensahe ng binata.

Comment naman ni Kiray sa post ng boyfriend, “Thank you daddy. I love youuu!”

Kasunod nito, nag-post din ang Kapuso star sa IG ng message niya kay Stephan, “Pipiliin natin kung saan tayo sasaya. Gawin natin lahat ng gusto natin.

“Magmahal tayo, sumugal tayo, bumangon tayo, magpatawad tayo, maging mabait tayo tapos ‘wag natin kalimutan na mahalin ang sarili natin. Mabuhay tayo ng masaya. ‘Yung lang! Sapat na!’” aniya pa.

Kung matatandaan, pinag-usapan din ng mga Marites sa socmed ang pagpapa-tattoo ni Stephan sa kanyang dibdib ng mga mata ni Kiray at nasundan pa ito ng buong pangalan ng komedyana sa kanya namang braso.

RELATED STORIES

Kiray Celis’ face tattooed on BF’s chest: ‘Walang sisihan ha?!’

Kiray sinuntok ang manlolokong dyowa; umaming naging masamang anak dahil sa lalaki

TAGS: Cebu Daily News
Latest Stories
Most Read