‘Maid In Malacañang’ pasok bilang 3rd highest-grossing ‘Pinoy movie of all time’, kumita na ng P650-M
UMABOT na sa mahigit P650 million ang kinita ng kontrobersyal historical-family movie na “Maid In Malacañang” ng Viva Films mula sa direksyon ni Darryl Yap.
At dahil dito, itinanghal nang 3rd highest-grossing “Filipino movie of all time” ang nasabing pelikula na pinagbibidahan nina Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Ella Cruz, Diego Loyzaga at Cristine Reyes.
Sa Facebook account ni Direk Darryl, makikita ang official list ng Top 20 highest-grossing film mula sa Philippine Box-Office kung saan nananatili pa ring number one ang Hollywood movie na “Avengers Endgame” na kumita ng mahigit P1.7 billion.
Pumangalawa rito ang Avengers Infinity War na may P1.2 billion. Number one Pinoy movie pa rin ang “Hello Love Goodbye” nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na kumita ng P880 million habang ang “The Hows Of Us” nina Kathryn at Daniel Padilla naman ang pumangalawa with P810 million.
Matapos ngang kumita ng P650 million (global gross), sa loob lamang ng ilang linggo, ang “Maid In Malacañang” na nga ang pumangatlo sa listahan ng highest-grossing Pinoy film.
Ayon sa FB post ni Direk Darryl, “Sa ngayon, sa Philippine Box Office,
ang #MAIDinMALACAÑANG po ay ang pangatlong (3rd) Pinakapatok na Pelikulang Pilipino; pangwalo (8th)naman kung kasama ang mga Foreign Films—at patuloy pa rin po tayong showing,umaasang baka may itataas pa.
“Ngunit ang tunay na ikinagagalak ng aking puso, kasama ng aking team ay ang record na nagawa nito para sa aking father studio-
Maraming Salamat po sa lahat ng nakapanood at patuloy na tumatangkilik sa aming munting pelikula.
“SALAMAT PO SA PAGBIBIGAY NG KARANGALAN SA MAID IN MALACAÑANG BILANG PINAKAPATOK NA PELIKULA NG VIVA Films SA ATING KASAYSAYAN.
“Ipinagmamalaki po naming ang lahat ng ito ay ating nakamit sa panahon ng pandemya; bitbit ang karangalang wala nang mas prestihiyoso sa suporta at pagtangkilik ng sambayanang Pilipino,” mensahe pa ng direktor.
RELATED STORIES
Darryl Yap to ‘Maid in Malacañang’ critics: ‘No need to apologize’
Imaginary events can never be history, Binay says of ‘Maid in Malacañang’
Gov Gwen says defending Carmelite nuns of Cebu not political
Ang-See: I can’t just watch historical distortion
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.