Celebrities

Manny Pacquiao first time ipinasilip ang P2.3-B Forbes Park mansion, nagpa-house tour sa cast ng ‘Running Man’

Manny Pacquiao gives a tour, for the first time of his P2.3-B Forbes Park mansion, with the cast of ‘Running Man.’

PHOTO: creengrab from YouTube/Kocowa TV

SA kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon ng house tour ang boxing legend at Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa kanyang mansyon sa Forbes Park sa Makati.

At ang kanyang inilibot sa kanyang bahay ay ang cast ng South Korean variety show na “Running Man.”

Alam niyo ba mga ka-Bandera, ang nabanggit na mansyon ni Pacman ay binili noon mula sa presidente ng RCBC na si Lorenzo Tan sa halagang P2.3 billion

Anyway, ang naging pasilip sa bahay ni Manny ay ibinandera mismo sa isang episode ng “Running Man” noong April 23 bilang highlight sa kanilang pagbisita sa Pilipinas nitong buwan.

Mapapanood sa video na kinabukasan ng kanilang fan meet at concert ay naimbitahan sila sa bahay ng boxing icon.

House Tour

Nang makarating ang buong cast na sina Yoo Jae-suk, Haha, Jee Seok-jin, Song Ji-hyo, Kim Jong-kook, Jeon So-min, at Yang Se-chan ay talaga namang napa-wow sila at tila hindi makapaniwala sa napakalaking bahay ni Manny.

Mismong ang boxing legend na si Manny ang nag-tour sa kanila at ang naging translator nito ay ang TV host na si Ryan Bang.

Isa rin sa mga masasayang moments ng cast ay ‘yung pa-buffet ni Manny sa kanilang lahat na kung saan ay nagkaroon pa ito ng catering service.

Running Man

Kung maaalala noong Oktubre ng nakaraang taon, nag-trending sa social media si Manny matapos magkaroon ng guesting sa ilang variety shows sa South Korea.

Una siyang nagkaroon ng appearance sa isang episode ng “Knowing Bros” kasama ang binansagang Pambansang Krung Krung na si Sandara Park.

At pagakatapos niyan ay naging guest din siya sa isa pang episode ng “Running Man.”

RELATED STORIES

Jinkee and Manny Pacquiao visit CLOY set location in Switzerland

Manny Pacquiao set for ring return in 2023 after signing with Rizin

Pacquiao to put up subway system in Cebu if elected president

TAGS: cast, House, Makati City, Manny Pacquiao, show, South Korean, tour
Latest Stories
Most Read