Celebrities

Zeinab Harake may bago na nga bang natagpuang pag-ibig?

Separate photos showing Zeinab Harake and former PBA player Ray Parks Jr.

Zeinab Harake and Ray Parks Jr.

USAP-USAPAN ngayon sa social media kung may namamagitan sa social media influencer na si Zeinab Harake at sa dating PBA player na si Ray Parks Jr.

May mga netizens kasi na nakapansin sa Instagram story ng pretty momma na tila may hawig ang sapatos ng mystery guy na ibinandera niya sa mga suot-suot ng basketball player.

May isang post rin ang huli na naka-like at naka-comment ang pinsan ni Zeinab kaya mas lalong na-curious ang mga netizens.

Kung sakali mang true ang chika ay wala namang problema lalo na’t single naman ang vlogger at social media personality dahil isang taon na rin silang hiwalay ng dating partner na si Skusta Clee.

Single rin naman si Ray dahil hiwalay na rin ito sa dating karelasyon na atistang si Maika Rivera.

Wala pa namang pahayag si Zeinab kung totoo man ang isyu sa pagitan nila ni Ray na kasalukuyang naglalaro sa Japan B.League para sa Nagoya Diamond Dolphins.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @zeinab_harake 

 

Lately naman ay kaka-celebrate lang ni Zeinab ng 2nd birthday ng kanyang anak kay Skusta Clee na si Zebbiana.

Isang intimate beach party ang inihanda nito para sa anak na dinaluhan ng malalapit nilang kaibigan at kaanak.

Samantala, bukas naman ang BANDERA para sa pahayag, komento, o paglilinaw ng kampo nina Zeinab at Ray hinggil sa isyu.

RELATED STORIES

Zeinab Harake may kayakap sa pool, nakahanap na nga ba ng gwapong dyowa?

Zeinab Harake tells it all in Mother’s Day episode of Toni Talks

Hiling ni Skusta Clee: Si Bia lang sa birthday ko

TAGS: PBA, Showbiz news, vlogger
Latest Stories
Most Read