Showbitz

Ruffa Gutierrez kinumpirmang tuloy na ang part 2 ng ‘Maid In Malacañang’, ‘Martyr or Murderer’ pa rin kaya ang title?

Ruffa Gutierrez kinumpirmang tuloy na ang part 2 ng 'Maid In Malacañang', 'Martyr or Murderer' pa rin kaya ang title?

Robin Padilla, Ruffa Gutierrez at Cesar Montano

TULOY na tuloy na ang part 2 ng blockbuster movie ng Viva Films at Vincentiments na “Maid In Malacañang’.

Ito ang kinumpirma ng aktres at dating beauty queen na si Ruffa Gutierrez nang makachikahan ng ilang members ng press last Thursday, October 27, sa grand launch ng bago niyang produktong Gutz and Glow.

Kuwento ni Ruffa, natanggap na niya ang schedule ng shooting nila para sa part 2 ng “Maid In Malacañang” sa direksyon pa rin ni Darryl Yap.

“Ibinigay na sa akin yung schedule pero wala pang nakalagay na title. Basta sinabi lang sa akin na if I’m free starting mid-November. Siyempre, sinabi ko, go!

“Basta kinuha pa lang yung schedule ko, umoo na ako from November to December,” pahayag ni Ruffa na isa na ring CEO ngayon ng sarili niyang kumpanya.

Pero paglilinaw ng aktres, hindi pa niya natatanggap ang script mula sa production kaya wala siyang ideya kung ano ang magiging kuwento ng ikalawang libro ng “Maid In Malacañang.”

Hindi rin daw niya alam kung ipakikita sa part two ang mga kaganapan pagkatapos umalis ang pamilya Marcos sa Malacañang at nanirahan sa Hawaii.

Posible ring sa Hawaii kunan ang sequel o prequel ng “Maid In Malacañang” dahil nabanggit din ni Ruffa na magkakaroon sila ng meet and greet doon para sa nasabing pelikula.

“Baka nga, kasi meron akong project du’n with Cesar (Montano) and Diego (Loyzaga). Ang alam ko, magha-Hawaii lang kami,” sey ni Ruffa.

Base sa naging post noon sa Facebook ni Darryl Yap, “Martyr or Murderer” ang posibleng maging title ng part 2 ng “Maid In Malacañang” kung saan isa sa magiging highlight ang Plaza Miranda bombing na naganap noong Agosto 21, 1971.

Kung matatandaan, gumanap si Ruffa sa “Maid In Malacañang” bilang si First Lasy Imelda Marcos, habang si Cesar Montano naman ay si yumaong Presidente Ferdinand Marcos, Sr..

Si Cristine Reyes ang gumanap na Imee Marcos, si Diego bilang Bongbong Marcos, Ella Cruz as Irene Marcos at Giselle Sanchez bilang si dating Pangulong Cory Aquino.

RELATED STORIES

‘Maid In Malacañang’ pasok bilang 3rd highest-grossing ‘Pinoy movie of all time’, kumita na ng P650-M

‘Maid in Malacañang’ offends Cebu nuns on eve of premiere

Darryl Yap to ‘Maid in Malacañang’ critics: ‘No need to apologize’

TAGS: Cebu Daily News, Ruffa Gutierrez, Showbiz news
Latest Stories
Most Read
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.