Kylie naloka sa chikang nabuntis daw siya ni Gerald: Nakakainis! It’s so out of this world!

By: Ervin Santiago - Bandera | August 24,2022 - 10:08 AM
Gerald Anderson at Kylie Padilla for story:Kylie naloka sa chikang nabuntis daw siya ni Gerald: Nakakainis! It’s so out of this world!

Gerald Anderson at Kylie Padilla

KALAT na kalat na sa social media at sa ilang celebrity vlogs ang mga chikang nabuntis umano ni Gerald Anderson ang Kapuso actress na si Kylie Padilla.

Pero bago pa man maniwala nang bonggang-bongga ang mga mahilig sa tsismis, lalo na ang mga Marites all over the universe, nagsalita na agad si Kylie hinggil dito.

Mariing pinabulaanan ng “Bolera” lead star ang chikang buntis daw siya ngayon at si Gerald daw ang ama ng kanyang dinadala.

Grabe naman kasi ang mga vlogger na naglabas ng fake news na ito sa YouTube at TikTok kung saan may ipinakita pa silang mga litrato ni Kylie na may baby bump na kuha sa Switzerland kasama si Gerald.

Ginamit pa ng mga ito ang mga litrato nina Kylie at Gerald na kuha sa Switzerland kung saan sila nag-shooting para sa pelikula nilang “Unraveled” under Mavx Productions.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mavx Productions Inc. (@mavxproductions) 

May nakita pa kaming video na nagsabing na-develop daw sina Kylie at Gerald habang ginagawa ang project nila sa Switzerland kaya naghiwalay na ang hunk actor at ang girlfriend nitong si Julia Barretto.

Ngunit mariin nga itong itinanggi ni Kylie. Aniya sa panayam ng “24 Oras” kagabi, “Wala pong katotohanan sa mga lumalabas (sabay tawa).”

“Magkaibigan lang po kami ni Gerald. Super professional lang po ang relationship namin. Nothing else!

“Nakakainis, ang dami! It’s so out of this world. Naba-bother lang ako na baka may maniwala, e,” sabi pa ng Kapuso star.

Sa panayam ng press kay Kylie sa naganap na virtual mediacon para sa finale ng “Bolera”, sinabi nito na wala pa siyang planong magkadyowa uli dahil mas gusto niya munang pagtuunan ng panahon ang kanyang sarili at ang dalawa niyang mga anak.

RELATED STORIES

Kylie Padilla: ‘I know my truth!’

What Kylie Padilla wants for her 29th birthday

Julia Barreto and Gerald Anderson share Boracay snaps and videos

Gerald, Julia nagkasawaan agad?

Read Next

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TAGS: baby bump, buntis, Cebu Daily News, fake news, Gerald Anderson, Kylie Padilla, Showbiz news, Switzerland

We use cookies to ensure you get the best experience on our website. By continuing, you are agreeing to our use of cookies. To find out more, please click this link.