Showbitz

Basher supalpal kay Moira sa isyu ng pagbubuntis: Itigil mo yang pagsukat ng halaga ng babae sa kung kaya niya mag-anak o hindi

Moira dela Torre

Moira dela Torre

BASAG na basag ang isang basher kay Moira dela Torre na nagkomento sa isa niyang social media post tungkol sa isyu ng pagkakaroon ng anak.

Cool na cool na niresbakan ng Kapamilya singer-songwriter ang netizen sa pamamagitan ng kanyang Facebook account pero tagos na tagos ito sa naturang epal na hater.

Pinuri muna siya ng nasabing FB user pero nilaglag din sa huli ng kanyang aria. Komento nito, “Khit anong ganda ng isang tao, pag hnd mag kaanak.”

Nagkomento agad si Moira nang mabasa ang pang-ookray ng basher, “Sge ituloy ko po para sayo, bigyan na rin ktang options teh parang nahirapan po kayo e…

“’Kahit anong ganda ng isang tao, pag hnd mag kaanak…..’

“Maganda pa rin / hindi pa tamang oras / wala sa tamang tao / choice nila yon / wala kang pakialam. (thumbs up emoji),” ang matapang na bwelta ng premyadong singer.

Hirit pa ni Moira, nangangarap din siyang maging nanay pagdating ng tamang panahon pero huwag naman daw sanang pakialaman ang mga babae hinggil sa pagkakaroon ng anak.

Sey pa ni Moira, “Pangarap ko din maging nanay balang araw, pero marami tayong kayang gawin bilang babae hindi lang pag aanak.

“Kaya itigil mo yang pagsukat ng halaga ng mga babae sa kung kaya niya mag-anak o hinde hindi po maganda yan,” katwiran pa ni Moira.

Kung ang pagbabasihan ay ang itsura ngayon ni Moira, mukhang naka-move on na siya sa hiwalayan nila ng asawang si Jason Hernandez.

Matatandaang noong May 31, in-announce ng estranged couple sa pamamagitan ng social media ang kanilang breakup makalipas ang tatlong taong pagsasama bilang married couple.

Dalawang beses silang ikinasal, una sa isang civil wedding noong January 8, 2019 at sinundan ng isang garden wedding sa Tagaytay last January 14, 2019.

RELATED STORIES

Moira Dela Torre wows friends, netizens with new IG post

Netizens gush over Moira Dela Torre’s glam look: ‘Tapakan mo ‘ko, Moira’

LOOK: Moira Dela Torre high up on billboard at New York’s Times Square

TAGS: Cebu Daily News, Moira Dela Torre, Showbiz news
Latest Stories
Most Read
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our regional newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.