Showbitz

Bwelta ng girlalu na nadamay sa hiwalayang McCoy-Elisse: Baka sabihin mo kabit ako, break na sila bago kami nag-usap, OK?

Elisse Joson, McCoy de Leon at Mary Joy Santiago

Elisse Joson, McCoy de Leon at Mary Joy Santiago

PAINIT pa nang painit ang issue sa paghihiwalay ng celebrity couple na sina McCoy de Leon at Elisse Joson na talagang ikinagulat ng kanilang mga tagasuporta.

Matapos aminin ng Kapamilya actor na totoong hiwalay na sila ng nanay ng kanyang anak ay may lumabas namang post sa Facebook tungkol pagkakadawit ng social media influencer na si Mary Joy Santiago sa breakup nila ni Elisse.

Sa FB account ng isang nagngangalang Merrie Lette, makikita ang pakikipagpalitan ng mensahe ng hinihinalang si Mary Joy kung saan nilinaw niya ang chika na siya ang “third party” sa pagkasira ng relasyon nina Elisse at McCoy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mj Santiago (@mrysntgo)

Ito’y matapos unang mabasa ng netizens ang Facebook story ni Mary Joy kung saan kasama niya si McCoy. Pero burado na ito ngayon.

“HOTTEST UPDATE ABOT HANGGANG UAE,” ang titulo ng FB post ni Merrie Lette.

“Kaloka relax lang girl malamang mapag usapan ka talaga abot nga hanggang dito. oh ayan To clarify lang daw, ikaw nag post ng picture nyo so expected mo na yan pag chismisan ka.

“Ano gusto mo suportahan ka? Masyado pang brag ung sarili nya yan naba definition mo ng ganda?” ang nakasaad pa sa nasabing post.

Sabi naman ni Mary Joy, hiwalay na raw sina McCoy at Elisse bago siya  nakipag-usap sa aktor kasabay ng pagtatanggi na isa siyang kabit.

“Oo kaya nakiki-chismis ka na wala ka naman alam?… Di mo pa siguro na-try i-message kahit isa sa mga sikat or artist. Hehe.

“Paganda ka muna. And btw, baka sabihin mo din kabit ako e. BREAK NA SILA BAGO KAMI MAG-USAP NI MCCOY, OK?” ang mababasa sa sinasabing pakikipagpalitan ng mensahe ni Mary Joy kay Merrie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mccoy De Leon (@mccoydeleon)

Habang sinusulat ang artikulong ito ay wala pa talagang inilalabas na official statement si Mary Joy hinggil sa issue at kahit si Elisse ay tahimik pa rin sa kontrobersyal na paghihiwalay nila ni McCoy.

Kahapon, in-edit ng aktor ang caption sa kanyang latest Instagram post kung saan kasama niya sa photo ang anak na si Felize McKenzie.

“Sana pag tanda mo wag magbago tingin kay daddy ha pasensya na kung hindi lang talaga nakaya ni daddy.

“Sana maikwento ko sayo pagtanda mo. Don’t worry masasaya naman ikkwento ko na may konting problema hehe para naman maintindihan mo si daddy,” pagbabahagi ni McCoy sa kanyang saloobin.

RELATED STORIES

LOOK: Elisse Joson, Sofia Andres bond amid rumored split with their partners

Celebrities, netizens react to Elisse Joson and McCoy de Leon’s workout routine

TAGS: Cebu Daily News, Elisse Joson, Mary Joy Santiago, McCoy De Leon, Showbiz news, third party
Latest Stories
Most Read