Celebrities

Sarah Geronimo binati si Mommy Divine ngayong Mother’s Day: ‘Ikaw ang superhero ng buhay ko…’

Sarah Geronimo binati si Mommy Divine ngayong Mother’s Day: ‘Ikaw ang superhero ng buhay ko…’

PHOTO: Instagram/@justsarahgph

MAY pa-tribute ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo para sa kanyang ina na si Mommy Divine ngayong Mother’s Day.

Sa social media ay ibinandera ni Sarah ang ilang throwback pictures kasama ang kanyang mga magulang.

Isa na nga riyan ang litrato na kung saan ay yakap-yakap pa siya ng kanyang ina.

Sey pa ng singer sa kanyang Instagram post, “Superheroes ng buhay ko. I love you nanay at tatay ko.”

ALSO READ: Sarah Geronimo gives heartfelt tribute to Daddy Delfin, Mommy Divine during 20th anniversary concert

Kasunod niyan ay ang pagbati niya sa kanyang ina na kung saan ay pinasasalamatan niya ito.

“Happy Mother’s day po mama. Walang hanggan po na pasasalamat para sa walang katumbas na pag-aaruga at pagmamahal,” sa kanyang caption.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sarah Geronimo (@justsarahgph)

Tila naantig naman sa nasabing post ang maraming fans at wish nila sa iniidolo na magkabati na rin sila ng kanyang pamilya.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“You are so kind ang genuine. [crying face emoji] I hope one day in God’s perfect time mayakap mo uli ang mga magulang mo.”

“Walang nanay ang kayang tiisin ang mga anak. [sad face emojis] God bless you always Ms. Sarah G patuloy ka ibe-bless ni Lord dahil napakabuti mo.”

“I love you Sarah! Napaka bait mong anak. Praying na maging okay ang lahat…”

Kung matatandaan, ginulat ng Popstar Royalty ang madlang pipol dahil sa ipinost sa social media na open letter noong Oktubre ng nakaraang taon.

Burado na ang nasabing post, pero ang nilalaman niyan ang kanyang mensahe para sa kanyang pamilya, manager, at sa lahat ng mga taong patuloy na nagbibigay suporta sa kanya.

Sa pamamagitan nito ay humingi siya ng tawad sa kanyang pamilya na labis na nasaktan daw sa kanyang mga naging desisyon sa buhay.

Pinasalamatan niya rin sa open letter ang kanyang mga magulang na nag-aruga at nagbigay buhay sa kanya at sa kanyang mga kapatid.

Magugunitang nagkaroon ng alitan sa pagitan ng singer at kanyang mga magulang mula nang magsagawa ng secret marriage sina Sarah at aktor na si Matteo Guidicelli noong 2020.

Mula niyan ay hindi na sumisipot sa mga show at concert ni Sarah ang kanyang mga magulang.

Nagsimula ang showbiz career ni Sarah nang manalo siya a talent show na “Star for a Night” noong 2003.

RELATED STORIES

Matteo writes heartfelt message to Sarah’s parents

Limits of parents’ concerns: The Sarah and Matteo Wedding

Sarah Geronimo returns: ‘More authentic, more sincere Sarah’

 

TAGS: Instagram post, Mother's Day, Sarah Geronimo, Showbiz news
Latest Stories
Most Read